Naglabas ngayon ng lahar advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Mayon sa gitna ng mga pagulang dala ng Tropical Storm Kristine.
Ayon sa Phivolcs, posible ang pagkakaroon ng lahar flow mula sa Bulkang Mayon lalo’t inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan ang Bagyo sa Bicol Region hanggang bukas ng gabi.
Maaaring itong magresulta sa volcanic sediment flows, muddy stream flow o muddy run-off sa mga ilog at drainage areas ng bulkan.
Kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan nito kung sakali ang Miisi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag, Bonga, Buyuan, Basud, at Bulawan Channels sa Albay Province.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente malapit sa bulkan na magdoble ingat sa banta ng lahar. | ulat ni Merry Ann Bastasa