Napanatili ng Pilipinas ang growth projection ng Association of Southeast Asian Nations Plus 3 o ASEAN+3.
Sa inilabas na October update ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) nanatili ang kanilang growth outlook ng bansa sa 6.1 percent para ngayong taon habang 6.3 percent naman para sa taong 2025.
Ayon sa regional think thank, ito ay dahil sa rate cut ng Bangko Sentral ng PIlipinas at ang mas mabilis na pag gastos ng gobyerno na nagpapaandar sa ekonomiya.
Ang AMRO projection ay pasok sa target range ng economic managers na nasa 6% to 7% growth para sa 2024 habang mas mababa naman sa 6.5% to 7.6% growth for 2025.
Dahil dito, nanatiling strongest economy ang Pilipinas sa ASEAN +3 region kasama ang China, Hong Kong, Japan at South Korea.
Ayon sa AMRO, dahil sa naitalang paglago ng mga bansang miembro ng ASEAN+3 bloc, on track ito na matamo ang steady growth kaakibat ang resilient domestic demand at pagsisikap na pagbawi ng export industry. | ulat ni Melany Valdoz Reyes