Binigyang-diin ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa 44th at 45th ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR).
Aniya, bahagi ito ng pagtugon sa mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas partikular ang isyu ng West Philippine Sea at ang pagtiyak na magpapatuloy ang pag-unlad nito.
Para kay Romualdez, mahalaga ang mga summit upang mapag-usapan ang mga geopolitical issue at kooperasyong pangrehiyon.
Inaasahan na ng House Speaker na muling igigiit ng Pangulo ang pagsusulong ng Pilipinas sa payapang resolusyon ng mga isyu salig sa international law gayundin ang pagbibigay-diin sa pagkakaisa ng ASEAN sa pagtalima sa open at rules-based order.
Makatutulong din aniya ang summit na ito para matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga Pilipino.
Sa pagpapalalim ng ating ugnayan sa ibang bansa ay mapapaunlad ang ating ekonomiya at pakikipagkalakalan at mapagtitibay ang seguridad ng Pilipinas.
“The well-being of the Filipino people depends on how we navigate these challenges. President Marcos’ leadership in these summits is essential in ensuring that the Philippines not only secures its national interests but also contributes to the broader goals of regional stability and inclusive growth,” ani Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📸 PCO