Nakakuha ng matibay na suporta ang Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Finance mula sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) para suportahan ang mga proyektong imprastraktura.
Ayon sa DoF, importante para sa bansa ang access sa mas naraming
development grants para sa resilient infrastructure projects.
Sa ginanap na Annual Meeting of the Board of Governors ng AIIB sa Samarkand, Uzbekistan tinalakay ng Banko at delegasyon ng Pilipinas ang mga istratehiya ng banko para sa future priorities sa gitna ng mga global challenges.
Ang grants na maaring magamit ng Pipinas ay idadaan sa Multilateral Cooperation Center for Development Finance (MCDF) Facility.
Ito ay multilateral financial mechanism ng AIIB na dinisenyo upang ipromote ang high-quality infrastructure and connectivity investments ng developing countries gaya ng Pilipinas. | ulat ni Melany Reyes