Pang-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na foreign direct investment o FDIs sa Southeast Asia.
Sa inilabas na ASEAN Investment Report 2024, naitala ang $8.9-B na FDI inflows sa Pilipinas nuong 2023.
Ayon sa report, bagaman bumababa ang investment sa ilang industriya, nanatiling mataas ang pamumuhunan sa manufacturing at renewable energy.
Ilang mga wind power energy mula Europa ang nakapagsustine ng investment sa renewable energy.
Umakyat naman ang investment ng bansang Japan ng 8% o katumbas ng $849-M.
Base sa annual report ang ASEAN, bumaba ng bahagya ang investment inflows ng 7% kumpara nuong 2022 dahil sa hamon na kinahaharap ng bansa sa value added tax rebate.
Nanantili namang #1 ang Singapore sa FDI inflows, pangalawa ang Indonesia at Vietnam, sinundan ng Pilipinas at Malaysia. | ulat ni Melany Reyes