Pilipinas, pangungunahan ang ika-41 ASEAN Social Security Association Meetings

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Government Service Insurance System (GSIS) sa pagsasama-sama ng industry leaders at kinatawan ng social security institutions sa ika-41 ASEAN Social Security Association (ASSA) Meetings na gaganapin sa Nov. 25 hanggang Nov. 27, 2024.

Pilipinas ang host ngayong taon ng naturang pagtitipon kung saan tumatayong ASEAN Social Security Association Vice Chairperson si GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso.

Layon ng ASSA meetings na isulong ang pagkakaroon ng isang komprehensibo at inklusibong social protection framework sa ASEAN region.

Tampok dito ang panel discussion, interactive sessions, at keynote message mula sa mga nangungunang eksperto at lider ng ASEAN.

Ayon kay GSIS President at General Manager Veloso, maituturing itong pagkakataon para maipakita ang pamumuno ng Pilipinas sa paghubog ng social security sa mga manggagawa sa bansa.

Magbibigay din aniya ito ng plataporma para sa makahulugang palitan ng diskusyon sa pagitan ng mga bansa sa ASEAN.

Ang Philippine Social Security Association (PhilSSA) ay binubuo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), at Employees’ Compensation Commission (ECC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us