Nanawagan ang Pilipinas para sa agarang aksyon na tapusin ang New Collective Quantified Goal on Climate Finance (NCQG) bago ang 2025 upang suportahan ang developing countries sa pagtugon sa epekto ng climate change.
Ang NCQG ay isang mahalagang elemento ng Paris Agreement na idinisenyo upang lumikha ng financing framework upang bigyang suporta ang mga umuunlad na bansa para pondohan ang kanilang climate action.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Chief of Staff and Undersecretary Maria Luwalhati Dorotan Tiuseco, responsibilidad ng bawat bansa na magkaisa upang tugunan ang mga kinakailangang climate priorities.
Ginawa ni Tiuseco ang pahayag sa ginanap an 2024 High-Level Ministerial Dialogue on the NCQG on Climate Finance sa Baku, Azerbaijan — ito ay preliminary event para sa United Nations Climate Change Conference or Conference of the Parties of the UNFCCC (COP29).
Sa kanyang intervention, sinabi ni Tiuseco ang kahalagahan ng
“simplified access to finance” na idinadaan sa multilateral development banks (MDBs), multilateral funds, at bilateral channels.
Kasama sa pagtalakay ng issues sa NCQG ang bansang Canada, China, Denmark, France, India, Kazakhstan, the Maldives, Iran, the United Arab Emirates (UAE), Russia, Pakistan, Bolivia, Honduras, at Spain.
The COP29 ay gaganapin sa Baku, Azerbaijan mula November 11 to 22, 2024. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes