Nagpahayang ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa pagpapalalim at pagpapalawak ng relasyon ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK).
Aniya, malaking bagay ang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol at First Lady Kim Keon Hee na nataon pa sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa.
“Congress is fully committed to nurturing and expanding our dynamic and multifaceted relations with South Korea. This partnership is vital to achieving shared prosperity and mutual growth,” sabi ni Romualdez.
Positibo ang House Chief sa hinaharap ng Philippines-ROK partnership partikular sa defense modernization, economic collaboration, at cultural exchange.
“South Korea has long been one of our most reliable partners, not only in terms of trade but also in defense and security. Our nations continue to benefit greatly from this relationship,” punto ni Speaker Romualdez.
Kinilala nito ang maigting na suporta ng South Korea sa modernisasyon ng ating militar at pagpapalakas ng Philippine Coast Guard at humanitarian efforts; pagiging nangungunang trading partner; gayundin ang ambag sa enerhiya, iprastraktura at turismo.
“South Korea’s contributions to our development priorities through the Economic Development Cooperation Fund have been invaluable, and we look forward to continued cooperation in areas such as energy and infrastructure,” sabi pa niya.
Makakaasa aniya ang South Korea ng patuloy na commitment mula sa Pilipinas, lalo na mula sa lehislatura para lalo pang mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.
“As we move forward, we are confident that the Philippines and South Korea will continue to work closely together, addressing global challenges and building a future of shared progress, peace, and prosperity,” diin niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📸 PCO