Pumalo na sa Php 35,029,560 ang inisyal na halaga ng pinsala sa power distribution infrastructure ng mga Electric Cooperative dahil sa Bagyong Kristine.
Ayon sa National Electrification Administration- Disaster Risk Reduction and Management Department (NEA-DRRMD), ang mga naitalang pinsala ay mula sa 19 EC sa Luzon at Visayas.
Samantala, ang limang EC sa Nueva Ecija, Romblon, Samar at Leyte na nakakaranas ng power outages ay naibalik na sa normal ang operasyon
kabilang ang pito pang ECs.
Sa ngayon, nasa 43 EC ang nakakaranas pa ng partial power interruptions.
Kahit araw ng linggo, magpapatuloy ang power restoration activities sa 46 pang ECs mula sa 35 lalawigan at 11 rehiyon.
Ayon sa NEA-DRRMD, kabuuan nang 316 mula sa 560 na Munisipalidad o 56.43% ang napailawan na ng mga EC.| ulat ni Rey Ferrer