Umabot na sa ₱20.5-milyon ang naitalang halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Julian.
Ayon sa National Electrification Administration (NEA), ang Batanes Electric Cooperative, Inc. (BATANELCO) ang may pinakamalaking pinsala kung saan tatlong bayan nito ang nakaranas ang total power interruptions kabilang ang Mahatao, Ivana, at Uyugan.
Balik normal naman na ang operasyon sa Itbayat habang ang kuryente sa mga bayan ng Basco at Sabtang ay bahagya na ring naibalik.
Patuloy namang isinasaayos ang suplay ng kuryente sa buong sakop ng BATANELCO sa tulong ng Task Force Kapatid. | ulat ni Merry Ann Bastasa