Pumalo na sa P20,596,929 ang halaga ng pinsala sa mga Electric Cooperative na sinalanta ng bagyong Julian.
Batay ito sa pinakahuling power monitoring report ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department.
Ang Batanes Electric Cooperative,Inc. (BATANELCO) ang may pinakamataas na pinsala sa mga pasilidad.
Patuloy pang nakakaranas ng total power interruptions ang mga Munisipalidad ng Mahatao, Ivana at Uyugan.
Ayon sa National ElectrificationAdministration, on-going pa ang power restoration sa buong BATANELCO Franchise Area sa tulong ng Task Force KAPATID.
Ang Task Force KAPATID ay pinadala sa Batanes ng NEA at Philippine Rural Electric Cooperative Association para tumulong sa rehabilitasyon ng BATANELCO. | ulat ni Rey Ferrer