Pumalo na sa Php 551.81 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Super Bagyong #JulianPH.
Batay sa assessment ng Department of Agriculture (DA), lubhang napinsala ang mga pananim na palay, mais, high value crops, pati na ang livestocks, poultry at irrigation facilities.
Naitala ang grabeng pinsala sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon.
May kabuuang 29,734 na magsasaka at 15,296 agricultural areas ang naapektuhan at pagkalugi na abot sa 22,623 metric tons.
Patuloy pa ang assessment at validation na isinasagawa ng DA Field Offices at inaasahan pa ang pagtaas ng halaga ng pinsala at pagkalugi.
Tiniyak naman ng DA na may mga kaukulang intervention na silang nakahanda para sa mga apektadong magsasaka.| ulat ni Rey Ferrer