Pitong state universities ang nakuha ng seed fund mula sa Commission on Higher Education (CHED) para sa kanilang Doctor of Medicine Programs.
Kabilang sa mga unibersidad na nakatanggap ng tig-40 million pesos na seed fund ang sumusunod:
1. Bulacan State University
2. Don Mariano Marcos Memorial State University
3. Samar State University
4. University of Northern Philippines
5. University of the Philippines Manila – School of Health Sciences (Palo, Leyte); at
6. West Visayas State University
7. Cebu Normal University (P35 million pesos na seed fund)
Pinangunahan nina CHED Chairman Prospero de Vera at Senador Joel Villanueva ang ceremonial turnover ng seed fund.
Ito na ang fourth wave ng pamamahagi ng seed fund para sa pagbuo at pagpapalakas ng Doctor of Medicine program sa mga pampublikong uniberisdad at kolehiyo.
Target nitong mapalakas ang layunin ng Doktor Para sa Bayan Act na makapag-produce na mas maraming mga doktor sa buong Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion