PNP, nananatiling matatag sa kabila ng mga hamon sa ‘drug war’ ng nakalipas na administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nagpapatinag ang Philippine National Police (PNP) sa mga isyung kinahaharap nito na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga ng nakalipas na administrasyon.

Katunayan, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na nananatiling matatag ang kanilang hanay bilang isang institusyon.

Patunay na aniya rito ang hindi pagtatakip sa mga kontrobersyal na kasong lumutang sa pagdinig ng House Quad Committee kabilang na ang kaso ng pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.

Gayundin ang kaso ng pagpaslang kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili na kapwa idinadawit ang pangalan sa isyu ng illegal drugs.

Magugunitang sa pagdinig ng House Quad Committee, ibinunyag ni dating PCSO General Manager Royina Garma na nakipagpulong ang PNP Academy Class of 1996 at 1997 kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y bago ilunsad ang umano’y Davao model sa war on drugs kung saan, nakapaloob dito ang extrajudicial killings at reward system para sa mga Pulis na kabilang sa mga anti-drug operations.

Bagaman, bahagi ng naturang klase sa PNPA, mariing itinanggi ni Fajardo na dumalo siya rito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us