Nais ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na madagdagan ng P10 bilyong ang pondo ng National Electrification Administration (NEA) para sa pagpapatupad ng Rural Electrification Program.
Sa ilalim ng panukalang 2025 budget, pinaglaanan ang NEA ng P2.6 billion mas mababa sa orihinal na proposal ng ahensya na P23.7 billion.
“Let us give this program more funds so that the vision of President Ferdinand Marcos Jr. of 100-percent electrification by the end of his six-year term in 2028 could be realized. Congress should help him attain that target. Let us give it even just half of what it is seeking,” sabi ni Rodriguez.
Sa paraan aniyang ito ay matutulungan ng Kongreso ang NEA na maisakatuparan ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na mailawan ang buong bansa lalo na ang mga nasa malalayong lugar.
Tinukoy pa ng Mindanao solon na ang kanilang rehiyon ang may pinakamataas na non-sitio electrification sa bansa.
“I am urging the Senate to augment the NEA budget for next year. In case it fails to do so, the House of Representatives could play catch-up by proposing the adjustment during the bicameral conference committee deliberations,” giit pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes