Tiniyak ng Departmet of Budget and Management (DBM) na may sapat na resources ang pamahalaan para gamitin sa relief and recovery efforts sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong #KristinePH.
Sa situation briefing sa Malacañang, inisa-isa ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang possible sources ng funding para sa pagtugon ng gobyerno.
Kabilang dito ang quick response fund (QRF) augmentation at ang mga unutilized QRF na ngayon ay nasa mga ahensya na ng gobyerno.
Ang funding sources mula sa local disaster risk reduction and management fund ay maaari ding magamit para suportahan ang disaster risk management activities. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes