Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil at sampung iba pang opisyal ng pamahalaang bayan.
May kaugnayan ito sa inihaing gross neglect of duty na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa operasyon ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa nasabing bayan.
Layon ng pagsuspinde sa mga opisyal na masigurong patas at hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kaso.
Nauna nang sinalakay ng mga awtoridad noong buwan ng Hunyo ang Lucky South 99 sa Porac kung saan nadiskubre ang samu’t saring ilegal na aktibidad. | ulat ni Rey Ferrer