Suportado ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo ang posibilidad na magpatupad ng mandatory repatriation para sa mga OFW na nasa Lebanon.
Malaki ang tiwala ng mambabatas sa mga ginagawang hakbang ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa na naroroon ngayon.
Una nang sinabi ng Pangulo na ibabatay ang desisyon sa mandatory repatriation mula sa assessment ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Middle East partikular ang DFA.
“We fully trust the expertise and judgment of our embassy and DFA officials on the ground. They are in the best position to evaluate the safety of our kababayans and to determine the appropriate timing of mandatory repatriation,” ani Salo
Pinasalamatan naman ng party-list solon ang punong ehekutibo sa pagtutok ng nito sa kalagayan ng ating mga kababayan.
“We are deeply grateful to President Marcos for his steadfast compassion for our OFWs. His leadership ensures that the protection and welfare of our kababayans remain a top priority,” aniya
Apela naman ng mambabatas na sana-y maisama sa repatriation ang Lebanese spouses at anak ng mga Pilipino upang matiyak na magkakasama pa rin ang buong pamliya sa gitna ng krisis.
“We must ensure that the repatriation of our kababayans includes their Lebanese spouses and children. It is crucial to protect the unity of their families during such challenging times,” giit niya. | ulat ni Kathleen Forbes