Ikinatuwa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang naging takbo ng nagdaang araw ng filing para sa Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais maging kandidato para sa 2025 elections.
Ayon sa grupo, kontento ito sa mga isinasagawa ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa pagiging bukas at transparent nito kumpara sa mga nagdaang filing.
Ayon kay PPCRV National Coordinator Arwin Serrano, humanga rin ito sa COMELEC sa ilalim ng leadership ni Chairman George Garcia dahil sa mga improvement.
Aniya, mananatiling bukas ang PPCRV sa anumang obserbasyon ng media para sa maayos na halalan sa susunod na taon.
Mananatiling bukas ang COC filing sa Manila Hotel Tent City para sa nais maghain ng kanilang kandidatura sa party-list at senador hanggang ika-8 ng Oktubre 2024.| ulat ni EJ Lazaro