Pres. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, nakabalik na ng bansa kaninang bago mag-alas-5 ng madaling araw mula Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bago mag-alas-5 ng madaling araw dumating sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa bansa mula sa Jakarata, Indonesia.

Ang Pangulo at ang Unang Ginang ay dumalo sa inagurasyon ni bagong Indonesian President Prabowo Subianto at Pangalawang Pangulo na si Gibran Rakabuming.

Sa impormasyong ibinahagi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez, nakalapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo at ng First Lady ng bandang alas-4:45 kaninang umaga.

Samantala, tuloy-tuloy pa din ang mga magiging aktibidad ng Pangulo para sa araw na ito ayon kay Secretary Chavez.

Pawang private meetings ang nakalinya aniyang mga aktibidad ng Pangulo at kabilang na dito ang administrative meeting mamayang hapon.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us