Hindi tumitigil sa paghahatid ng tulong ang Philippine Air Force (PAF) sa mga apektado ng bagyong Kristine.
Sa katunayan, ginamit na rin ng Air Force ang Presidential chopper sa pag-aabot sa sinalanta ng bagyo.
Katuwang ng 250th Presidential Airlift Wing ang 2 Bell 412 helicopters at isang Black Hawk ng Air Force.
Partikular na tinungo ng Air Force ang Bula, Camarines Sur at Libon sa Albay na hindi mapasok dulot ng bagyo.
Nasa 300 kahon ng relief goods ang ibinagsak dito partikular na sa mga isolated community na labis na nangangailangan. | ulat ni Jaymark Dagala