Bahagyang tumaas ang presyo ng Kamatis sa Marikina Public Market habang nananatiling mahal naman ang presyo ng Luya.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, umakyat na sa ₱90 ang kada kilo ng Kamatis mula sa dating ₱50 hanggang ₱70 ang kada kilo.
Ang Luya naman, nakapako sa ₱150 ang kada kilo na nananatiling mataas buhat nang magkaroon ng kakapusan sa suplay nito.
Nananatili naman sa ₱150 ang kada kilo ng Bawang, ₱100 ang kada kilo ng Sibuyas, habang tumaas din ang presyo ng Repolyo at Pechay Baguio na ngayon ay kapwa nasa ₱90 ang kada kilo.
Samantala, sa presyuhan naman ng karne gaya ng manok, ay nasa ₱210 hanggang ₱230 ang kada kilo, ang baboy ay nasa ₱320 hanggang ₱370 ang kada kilo, habang nananatili pa ring mahal ang baka na nasa ₱450 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala