Presyuhan ng luya sa Pasig Mega Market, nananatiling mataas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mahal ang presyo ng luya sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market halimbawa, naglalaro sa ₱180 hanggang ₱210 ang kada kilo nito.

Sinabi ng mga nagtitinda ng gulay na nangangamba pa silang tumaas ang presyo ng kanilang mga paninda sa mga susunod na araw.

Narito naman ang presyo ng iba pang gulay:

Sibuyas – ₱100/kg
Bawang – ₱140/kg
Kamatis – ₱70/kg
Carrots – ₱100/kg
Ampalaya – ₱140/kg
Talong – ₱80/kg
Patatas – ₱100/kg
Repolyo – ₱80/kg
Pechay Baguio – ₱80/kg

Sa presyo naman ng isda, ang Galunggong ay nasa ₱200 hanggang ₱210 ang kada kilo, Bangus ay nasa ₱200 hanggang ₱220 ang kada kilo, at ang Tilapia ay nasa ₱120 ang kada kilo.

Nananatili namang mahal ang presyo ng manok na nasa ₱210 hanggang ₱230 ang kada kilo, habang sa baboy naman, ang kasim ay nasan ₱320 at ang liempo ay nasa ₱350 kada kilo.

Pero ayon kay Agriculture Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa, asahan nang bababa muli ang presyo ng luya sa mga susunod na araw.

Kaya aniya tumaas ang presyo nito dahil bumaba ang suplay sa kabila ng mataas na demand lalo’t ginagamit din ito bilang sangkap sa food supplement at gamot. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us