Problema sa baha, tutugunan sa drainage masterplan ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Quezon City Mayor Joy Belmonte na mas paiigtingin pa ang hakbang para maresolba ang problema ng pagbaha sa lungsod.

Ito ang isa sa naging tampok sa ikaanim na City Address ni Mayor Belmonte na ginanap sa kabubukas na MICE Center sa QC Hall compound kahapon.

Tinukoy ng alkalde ang nasa ₱123-bilyong pondo na kakailangani  ng QC LGU para sa ipatutupad na drainage master plan.

Ito, aniya, ay naglalaman ng holistic at data-based na solusyon sa problema ng pagbaha.

Kasunod nito, binigyang-diin din ni Mayor Joy na halos lahat ng mga sinimulang proyekto ng kanyang administrasyon mula taong 2019 ay natapos nang mabilis, may mababang presyo ang gastos at maganda ang kalidad.

Ngayong 2024, ang nasa ₱39-bilyong pondo ng QC government ay sumentro sa mga proyekto sa social services.

Ilan pa sa napagtagumpayang programa ay ang Pabahay, Pangkalusugan, Livelihood, Edukasyon, Digitalisasyon, at iba pa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us