Promulgation sa plunder case ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, tuloy na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy na ngayong araw ang pagpapalabas ng hatol ng Sandiganbayan 3rd Division ukol sa plunder case na inihain laban kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Pasado alas-8 ng umaga nang magkakasunod na pumasok sa back entrance ng Sandiganbayan sina Enrile at ang kanyang dating Chief-of-Staff na si Gigi Reyes.

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa loob at labas ng Anti-Graft Court para sa promulgation ng kaso na nakaiskedyul ng alas-8:30 ng umaga.

Matatandaang taong June, 2014 nang kasuhan ng Ombudsman sina Enrile, Jessica Lucila Reyes, Janet Lim Napoles, at dalawang iba pa ng plunder o pandarambong kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us