PSA, muling binalaan ang publiko sa mga lumalabas na fake news sa National ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpaalala sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) na mag-ingat sa mga nababasang impormasyon online nang hindi mabiktima ng fake news.

Kasunod ito ng panibago na namang kumakalat na mga pekeng social media posts kaugnay ng National ID.

Kabilang dito ang umano’y ayuda para sa National ID holders at National ID online processing na may bayad.

Paglilinaw ng PSA, wala itong ipinamamahaging ayuda sa mga may hawak na National ID, ito man ay card, papel, o digital format.

Bukod dito, tanging ang PSA lamang din ang awtorisadong magrehistro ng sinumang indibidwal sa National ID system, at ito ay libre.

Pinapayuhan ng PSA ang publiko na sumangguni lamang sa official social media channels ng ahensya. “We urge the public to be cautious and to refrain from sharing false information about the National ID being posted on various social media sites.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us