Ipinatupad na kaninang madaling araw ng Philippine National Police (PNP) ang suspension ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa buong Metro Manila ngayong linggo.
Ang pagsuspinde sa PTCFOR ay dahil sa gaganaping Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.
Ang Pilipinas ang host sa malaking pagpupulong na inaasahang dadaluhan ng libu-libong delegado.
Sa inilabas na Memorandum ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, tatagal ang ang suspension hanggang madaling araw ng Oktubre 18.
Tanging mga on-duty members lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP, at iba pang law enforcement agency ang pinapayagan na magdala ng baril.
Layon ng kautusang ito na matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa aktibidad at maiwasan ang firearm-related incidents.| ulat ni Rey Ferrer