May ipatutupad ding traffic rerouting plan sa ilang kalsada sa Quezon City upang matugunan ang inaasahang malaking volume ng mga sasakyan na patungong sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, kasama sa isasara sa trapiko ang bahagi ng Mayon Street mula Del Monte Avenue patungo ng Manila North Cemetery.
Maging ang ilang pribadong sementeryo sa lungsod ay may paiiralin ding traffic rerouting gaya sa Himlayan Cemetery sa Tandang Sora, na magpapatupad ng one-way entry at exit sa mga sasakyan.
Isasara naman sa publiko ang mga daan papasok sa dalawang pampublikong sementeryo sa lungsod kabilang ang Bagbag Public Cemetery at Novaliches Cemetery.
Kaugnay nito, tiniyak ni Cardenas na tuloy lang ang operasyon ng Q City Bus Service sa Undas sa November 1 at November 2 para maghatid ng libreng sakay sa mga commuter sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa