QCPD, pinaigting ang intelligence at crime prevention para sa Midterm Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na Midterm Elections sa susunod na taon.

Sa Quezon City Journalists Forum, sinabi ni QCPD Spokesperson Police Captain Febie Madrid na bukod sa pagde-deploy ng Kapulisan sa panahon ng halalan ay naglatag na rin sila ng mga checkpoints sa iba’t ibang strategic areas sa Quezon City bilang paghahanda sa darating na halalan.

Sa ngayon, wala naman aniya silang maituturing na hotspots sa QC na may kinalaman sa darating na eleksyon.

Sinabi rin ni Madrid na tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng Kapulisan sa mga barangay para matiyak ang kaayusan ng eleksyon.

Kaugnay nito, ipinaalala nito sa publiko na 24/7 nang bukas ang Helpline 122 ng QC upang tawagan kung kailangan ng tulong o kung may mga untoward incidents sa kanilang lugar para sa kaukulang aksyon ng QC Police. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us