Naging payapa at maayos sa kabuuan ang grand procession ng Holy Rosary ng La Naval De Manila sa Sto. Domingo Church, Quezon Avenue kahapon.
Batay sa assessment ng Quezon City Police District (QCPD) walang nangyaring untoward incident sa aktibidad at natapos ng mapayapa.
Ayon kay QCPD Director Police Colonel Melecio Buslig, mahigit 200,000 devotees ang nakiisa sa event.
Nagpasalamat ang QCPD Chief sa lahat ng pulisya at partner agencies sa kanilang dedikasyon, at pagsusumikap upang maging matagumpay ang mga kaganapan.
Partikular na ang pagtiyak sa seguridad at kaligtasan ng lahat ng nakiisa sa prusisyon. | ulat ni Rey Ferrer