Iginagalang ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez ang desisyon ng dating Pang. Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa pag-dinig ng komite ngayong araw.
Sa panayam kay Fernandez, naiintidihan naman nila na may edad na ang dating pangulo at mahirap na rin ang pag-biyahe para sa kaniya.
Sa isang liham na ipinadala ni Atty. Martin Delgra, na kumakatawan kay dating Pang. Duterte, sinabi ng kaniyang legal counsel na masama ang pakiramdam ng dating pangulo at nangangailangan ng pahinga.
“Old age ang areason, tiring na rin ang biyahe. So we consider that as a legitimate excuse and they promise naman to attend the next [hearing] on November. So we expect him to appear on the next hearing siguro by November.” Sabi ni Fernandez.
Sa hiwalay naman na panayam kay dating senador Leila De Lima na nagsisilbing resource person sa hearing, sinabi niyang umaasa siyang bumuti na ang kalagayan ng dating pangulo upang makadalo na siya sa susunod na pag-dinig.
“Well I hope he gets well na so he would have the health to face the music. So sana, kay dating pangulong Duterte, sana gumaling na kayo, magpagaling po kayo para meron kayong lakas na harapin ang lahat.” Ani De Lima. | ulat ni Kathleen Forbes