Kahon-kahong hygiene kits ang ipinadala ng tanggapan ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Quezon City Jail Female Dormitory.
Ayon kay QCJFD Jail Chief Insp. Lourvina Abrazado, hinatid ng Presidential Management Staff ang 630 kahon ng ‘Tulong Palasyo’ Care Package para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL).
Naglalaman ang mga ito ng mga toothpaste, toothbrush, sabon, shampoo, sanitary napkin at iba pa.
Bukod dito, tumanggap din ang dormitory ng filing cabinets, television, at sound system.
Malaking tulong umano ito para magamit sa iba’t ibang mga aktibidad at programa para sa mga babaeng PDL sa loob ng pasilidad.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng jail facility sa tanggapan ng Unang Ginang para sa tulong at donasyon.| ulat ni Rey Ferrer