Inilatag ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong nakuha nila mula sa inisyal na imbestigasyon tungkol sa mga kaso ni Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy.
Sa presentasyon ni PNP Davao City Police chief PCol Hansel Marantan sa pagdinig ng Senado, Kabilang sa mga isiniwalat nito ang plano ni quiboloy na makakuha ng nasa isang libong kababaihan na maging miyembro ng kanyang inner pastoral.
Ito aniya ay base umano sa biblical story ni Solomon na mayroong 700 na sa asawa at 300 concubines.
Sa pagataya ng pulisya, nasa dalawang daang kababaihan na aniya ang nabibiktima ni Quiboloy kung saan ang 68 ay natukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan.
Tiniyak naman ni PNP CIDG chief PBGen Nicolas Torre III na tuloy tuloy pa rin ang case build-up nila laban sa religiuos leader at sa mga kasabwat nito.
Sinabi ni Torre na nakikipagtulungan sila sa Department of Justice sa case build-up.
Patuloy rin aniya ang pagsisikap ng pulisya para ma-rescue ang iba pang mga biktima ni quiboloy.
Aminado ang CIDG chief na malalim ang brainwashing na ginawa nina Quiboloy sa kanilang mga biktima at oras na matauhan aniya ang mga ito ay inaasahan nilang mas marami pang mga indibidwal at mga biktima ang lalapit sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion