Tatlong driver sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang nagpositibo sa iligal na droga sa ginawang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Drug Check Philippines.
Sa ulat ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR), sa kabuuang bilang na sumailalim sa drug test, 86 ang nag negatibo at tatlo ang nag positibo.
Ginawa ang drug test sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos” para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon sa panahon ng undas.
Hindi muna papayagang makapagmaneho ang mga driver at sasailalim pa ang mga ito sa confirmatory test.
Tiniyak ng LTO ang pagpapatuloy pa ang roadside at terminal inspection sa Metro Manila bukas kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan.| ulat ni Rey Ferrer