Namahagi ng hot meals at mga gamot ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektadong indibiduwal sa hilagang Luzon dulot ng bagyong Julian.
Batay sa ulat ng PRC, halos 200 indibidwal ang nahatiran ng mainit na sopas upang mainitan ang sikmura sa malamig na panahon dahil sa mga pag-ulan.
Maliban dito, nagdala rin ng mahigit 70 gamot ang Red Cross sa mga biktima ng bagyo at nagdaos din sila ng health lectures tungkol sa Leptospirosis at iba pang sakit.
Nananatili rin ang welfare desk at First Aid stations ng Red Cross para sa iba pang mga pangangailangan ng mga nagsilikas habang naka-standby pa rin ang kanilang chapter at emergency response units, gayundin ang kanilang mga 143 volunteer. | ulat ni Jaymark Dagala