Pinabibilisan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng Marawi city.
Sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw (October 1) partikular na ibinilin ng pangulo sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, na bilisan ang pagbabalik ng maayos na supply ng kuryente at tubig sa lungsod.
“Wala tayong magagawa ‘pag walang water supply. ‘Yung brownout, you can live with it. ‘Yung walang tubig, hindi talaga.” —Pangulong Marcos.
Gayunrin ang pagkukumpuni sa mga bahay.
“You seem to have solutions to most of the issues. ‘Yun na lang, ‘yung installation of the power, and I think, more importantly, ‘yung tubig. We have to get that done as quickly as possible.” —Pangulong Marcos.
Aminado naman si Marawi Rehab Secretary Nasser Pangandaman Sr. na mayroong delay sa implementasyon ng bulk water supply project ng local water utilities administration, dahil sa mga legal na usapin.
Gayunpaman, siniguro ng opisyal na tinutugunan na ito ng gobyerno.
Nangako na aniya ang water utility adminiatrator na tatapusin ang proyekto sa loob ng apat na buwan o bago matapos ang 2024.
Samantala, inatasan din ni Pangulong Marcos ang kalihim na humiling ng ekstensyon sa private land owners para sa kontrata sa pansamantalang pagpapatira sa mga nawalan ng tirahan dahil sa naganap na pagkubkob noon sa Marawi.| ulat ni Racquel Bayan