Rehabilitasyon sa nasirang mga tahanan at kabuhayan dahil sa bagyong Kristine, pinatitiyak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinunto ni House Deputy Minority Leader France Castro na bukod sa relief goods, kailangan din ng mga sinalanta ng bagyong Kristine ang tulong sa pagsasaayos ng kanilang mga kabahayan at kabuhayan.

Kaya naman nanawagan ang mambabatas para sa isang komprehensibong pagtugon para matulungang makabangon ang mga naapektuhan ng bagyo.

Paalala niya, na hindi lang pagkain ang kailangan ng mga biktima ng kalamidad kung hindi pamamaraan sa pagpapatayo ng mga nasira nilang tahanan.

Batay sa pagtaya, nasa higit 80,000 bahay ang partially o totally damaged.

“While providing food assistance is crucial, we must also ensure that affected families have the means to rebuild their homes and livelihoods.” ani Castro.

Sabi pa ng lady solon, na kilala nang resilient o matatag ang mga Pilipino ngunit kailangan pa rin ng suporta ng pamahalaan para sila ay mabilis na makapagsimula muli. | ulat ni Kathleen Forbes

📸Albay PEO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us