Sa ika-limang araw ng filing of Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 National and Local Mid-term Elections, may naghain na ng kandidatura sa pagka-alkalde sa Davao City.
Ngayong Sabado ng umaga, Oktubre 5, pormal na naghain ng COC ang religious leader at founder ng Love Philippines Movement na si Bishop Rod Cubos sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa loob ng Ramon Magsaysay Park bitbit ang kanyang mga taga- suporta.
Sa kanyang pahayag, inilahad nito ang kanyang gaya ng libreng pagpa-ospital, libreng edukasyon, trabaho at negosyo, kaayusan at kapayapaan, at food security.
Sinabi ni Cubos na nais niyang baguhin ang Davao City na may pagkilala sa diyos at may totoong malasakit sa bawat Dabawenyo.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao