Sumagot si PBA Party-list Representative Migs Nograles sa panawagan ni Davao City Representative Paolo Duterte na magpa-hair follicle drug test.
Sa isang pahayag sinabi ni Rep. Duterte na noong Agosto ay sumailalim na siya sa pagsusuri na may negatibong resulta ngunit handang magpa-test muli.
Ito aniya ay para sa kanilang kapakanan at para matiyak na ang mga maglilingkod sa bayan ay malinis at walang kahit anong bisyong iligal na droga.
“Ako, natapos ko na, pero kung kinakailangan pa, handa akong magpa-hair follicle test muli, at ulit-ulitin pa ito upang ipakita na walang dapat ipag-alala ang ating mga kababayan tungkol sa integridad ng kanilang mga lider,” ani Duterte.
Agad namang kumasa si Nograles at inaya si Duterte na sabay silang magpa-drug test ngayong araw, 1:30 ng hapon sa Hi-Precision Laboratory sa Bajada, Davao City.
Giit niya na magandang pagkakataon ito na kapwa nila maipakita sa mga Davaoeño na malinis sila mula sa anomang bisyo.
“For the sake of transparency and accountability to the people of Davao City, I’d like to invite you to join me for a new drug test tomorrow, October 23, at 1:30 PM at Hi-Precision Laboratory in Bajada, Davao City. Let’s do it at the same time and together show the people of Davao City that we are not afraid to prove ourselves. Hope to see you there,” sabi ni Nograles.
Magkakalaban si Nograles at Duterte sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Davao City. | ulat ni Kathleen Jean Forbes