Iginagalang ni incumbent Parañaque 2nd District Rep. Gus Tambunting ang desisyon ng kasamahang mambabatas na si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan na tumakbo sa kaparehong distrito.
Aniya dito makikita na buhay ang demokrasya sa bansa.
Kung sa tingin aniya ng kapwa mambabatas na mas magiging epektibo sya bilang district representative kaysa party-list solon ay kalayaan aniya ito.
Ngunit para kay Tambunting, ilalaban din aniya ang kaniyang posisyon dahil alam niya sa kaniyang sarili na marami na rin siyang nagawa at magagawa pa para sa distrito.
Sabi pa niya na sa Parañaque, pinaglilingkuran ang boto at hindi nabibili.
Tumatakbo si Tambunting bilang re-electionist.
Samantala, kasabay ring naghain ng COC ni Tambunting si incumbent Parañaque Mayor Eric Olivarez.
Tatakbo naman siya bilang kongresista ng unang distrito ng Parañaque.
Aniya, nais niyang ipagpatuloy pa ang mga naiwan niyang legislative measures.
Ang kaniya namang kapatid na si incumbent Cong. Edwin Olivarez ang tatakbo para naman sa pagka alkalde ng lungsod.| ulat ni Kathleen Forbes