Reporma sa provincial rate isusulong ng sectoral group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isusulong ng sectoral group na Trabaho Party-list ang pagsaayos ng provincial rate ng sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon para iakma ito sa pang-araw-araw na pangangailangan sa makabagong panahon.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng grupo, dapat nang palitan ang “minimum wage” at ipagkaloob ang tinatawag nilang “living wage” kung saan sapat ang pinapasahod ng mga kumpanya para sa minimum basic needs ng bawat pamilya.

Paliwanag ng Trabaho Party-list, tututukan nito ang mga isasagawang pag-aaral at panukala upang maging equitable o makatarungan ang sistema kahit magkakaiba ang sahod sa bawat rehiyon.

Aniya, hindi dapat magbanggaan ang grupo ng mga manggagawa at grupo ng mga negosyante sa naturang isyu, subalit dapat silang magkaisa upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat.

Kinikilala ng Trabaho Party- list ang kahalagahan ng balanseng usapin sa pasahod, kung saan isinasaalang-alang ang kapakanan hindi lamang ng mga manggagawa kundi pati na rin ng mga employers.

Hindi naman aniya sa paraang panggigipit ng mga employer ang gagawin upang makamit ang “living wage,” sa halip ay pagpapalakas ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya para sama-sama ang pag-unlad ng mga negosyante at manggagawa.

Para makamit ito, iginiit ng Trabaho Party-list na mahalagang tutukan ngayon ay ang tamang pag-set ng minimum wage sa bawat rehiyon upang matiyak na ito ay angkop at patas para sa manggagawa at para sa negosyante.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us