Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act.
“We gather to provide every child in the country with the education that they deserve, and that they have a right to, empowering them to shape a future where learning is not a privilege but it is a right, and where every young mind can flourish.” -Pangulong Marcos.
Ito ang batas na na mag-aalok ng libre at epektibong national learning intervention program, upang masiguro na lahat ng estudyante na nahihirapan sa kanilang aralin, lalo na sa pagbabasa, mathematics, at science, ay makukuha ang competencies na kailangan para sa kanilang baytang.
Sa ilalim ng programa, ang mga maga-aral mula Kinder hanggang Grade 10 o iyong mga recovering learners ay mapasasailalim sa isang angkop na tutorial sessions mula sa mga guro ( para-teachers, at pre-service teachers), na tumanggap ng sapat na pagsasanay, at nakatutok sa interpersonal skills, social-emotional learning, cultural competency, at iba pa.
“At the heart of this law lies a steadfast commitment to a free and effective learning intervention for our learners from Kindergarten to Grade 10 within our public education system. It is available for those who are re-entering school after a hiatus, those grappling with proficiency in reading, mathematics, and science, and those who encounter challenges in passing examinations.” -Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang edukasyon ang pinakamahalagang maaaring maipamana sa mga bata.
Ito aniya ang huhubog sa mga kinabukasan ng bansa, na maging handa, anomang hamon ang kanilang kaharapin sa buhay.
“It is imperative, therefore, that we acknowledge this massive challenge, determine the necessary steps, and prioritize the implementation of learning interventions.” -Pangulong Marcos.
At ang sasabatas aniya ng ARAL Program, sumasalamin lamang sa kahandaan ng bansa na tugunan ang mga hamong pang-edukasyon na kahaharapin pa ng bansa sa hinaharap.
“Sa ating mga kabataan, hangad ko na gamitin ninyo ang programang ito upang makamit ninyo ang tagumpay. Bilang ama, edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maaari naming iwanan sa inyo.Walang materyal na bagay na makakatumbas sa halaga ng edukasyon.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan