Responsible tourism, panawagan ng DOT sa publiko matapos makakuha ng international award

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng mga manlalakbay sa buong mundo na patuloy na bumibisita at dumadayo sa Pilipinas.

Ito ay matapos kilalanin ng prestihiyosong Condé Nast Traveler’s 2024 Readers’ Choice Awards ang Pilipinas dahil apat sa sampung isla ng bansa ang pasok sa top 10 islands in Asia.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang pagkakapasok ng apat na isla ng bansa sa top 10 islands in Asia ay nagpapatibay lamang ng position ng Pilipinas bilang nangungunang premier island destination.

Kasabay nito ay nanawagan din si Frasco na ugaliin ang responsible tourism, para mapangalagaan ang ganda ng mga isla at tourist spots sa bansa partikular ang Boracay, Palawan, Cebu & the Visayan Islands, at Siargao. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us