Nakatakda nang ilabas bukas ng Civil Service Commission ang resulta ng pagsusulit na isinagawa noong August 11, 2024.
Sa abiso ng CSC, lahat ng pangalan ng examinees na nakapasa ay kanilang ipo-post sa website ng ahensya na www.csc.gov.ph.
Kabuuang 329,318 examinees ang kumuha ng Career Service Examination – Pen and Paper Test(CSE-PPT) noong August sa 16 na rehiyon sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 296,596 ang kumuha ng pagsusulit sa Professional Level habang 32,722 naman sa Subprofessional Level. | ulat ni Rey Ferrer