Isang retired seaman ang unang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) Cebu Province upang kumandidato bilang gobernador ng lalawigan ng Cebu.
Si Valeriano Gingco ay naghain ng kanyang COC bilang independent na kandidato pasado alas 4 ng hapon noong Biyernes, ika-4 ng Oktubre.
Ayon sa 63 taong gulang na aspirant governor, nais niyang magsilbi bilang isang public servant kaya ito nag-file ng kanyang COC.
Hindi naman nito inaasam na manalo at masaya na siya sa magiging resulta ng darating na halalan.
Bukod kay Gingco, isa naman kandidato para sa posisyon ng Sangguniang Panlalawigan ang nagsumite ng kanyang COC sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.
Ayon sa datos mula sa Office of the Provincial Election Supervisor (OPES) Cebu, nasa 8 na ang naghain ng kanilang COC simula noong ika-1 ng Oktubre. | ulat ni Carmel Matus-Pedroza| RP1 Cebu