Umakyat na ang revenue collection ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa P2.08 trillion, mas mataas ng 12.13 percent mula sa parehas na buwan nuong 2023.
Habang ang Bureau of Customs (BuCor) naman ay nakakolekta na ng P690.84 billion mas mataas ng 4.61 percent kumpara sa nakolekta noong august 2023.
Kamakailan, pinulong ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga revenue collection agencies upang pag-usapan ang kanilang performance, mga plano at strategies para sa taong 2025.
Una nang sinabi ni Recto na on-track pa rin ang revenue goals ng bansa kahit na walang ipinatutupad na dagdag buwis sa bansa.
Ang target ng BIR ngayong taon ay nasa P3 trillion pesos habang nasa P959 billion naman sa BOC— para sa kabuoang target na P3.788 trilion.
Ayon pa kay Recto, inaasahan ng economic managers na makakamit ang sampung porsientong annual growth para sa medium term upang suportahan ang pangangailangan ng mamamayan.| ulat ni Melany V. Reyes