Tuloy-tuloy na ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na sinalanta ng Bagyong Kristine.
Kahapon, abot sa 403,674 kahon ng family food packs ang naipamahagi sa 16 na rehiyon kabilang ang National Capital Region (NCR).
Pinakamaraming naihatid ay sa Bicol Region na abot sa 145,186 family food packs.
Ang iba pang nahatiran ng tulong ang MIMAROPA, CALABARZON, Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos, CAR, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Kasama sa bilang na ito ang mga naka-preposition sa DSWD Field Offices, na-release na sa mga lokal na pamahalaan at mga ongoing deliveries at mga for pick-up ng LGUs.
Naabutan na rin ng tulong ng DSWD Field Office 5 – Bicol Region ang mga naiwang pamilya ng apat na biktima ng landslide sa Caramoran, Catanduanes.| ulat ni Rey Ferrer