“Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorists assistance program sa mga expressway, in-activate na ng MPTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isina-aktibo na ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang Safe Trip Mo, Sagot Ko (SMSK) Motorists Assistance Program para sa panahon ng Undas.

Tiniyak ng MPTC ang pag asiste sa mga motorista sa North Luzon Expressways (NLEX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector, Cavite–Laguna Expressway (CALAX), at  Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEX) dahil sa inaasahan nang dagsa ng mga motorista.

Nagdagdag na rin ng mga tauhan sa expressway bukod sa 24/7 na monitoring sa kondisyon ng trapiko.

Bukod pa rito ang ilalatag na mga Emergency and Medical Incident Response Teams sa mga estratehikong lugar sa loob ng expressway.

Hindi rin daw dapat mabahala ang mga motorista, dahil may alok na libreng towing service para sa class 1 vehicles hanggang sa pinakamalapit na exit.

Magiging available ito mula alas-6 ng umaga ng Oktubre 31 hanggang alas-6 ng umaga ng Nobyembre 4.

Samantala, suspendido na simula bukas, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4 ang lahat ng repair sa daan at pagsasara ng lane sa expressway. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us