Umakyat ng 2.4 percent ang automotive sales sa buwan ng Setyembre.
Base sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) nasa 39,542 units ang naibenta nitong nagdaan buwan. Ito’y mas mataas kumpara sa 38,628 units nuong parehas na buwan ng 2023.
Ang passenger car sales ay tumaas ng 9.2 percent o nasa 10,328 units habang ang commercial vehicles ay nasa 29,104 units.
Ayon sa CAMPI, ang sales increase ay dahil sa bagong stock ng mga sasakyan na dumating sa bansa at mga promotions ng mga iba’t ibang brands.
Ayon kay CAMPI President Rommel Gutierrez, sa katunayan, inaasahang tataas pa ang car sales sa gagawing 9th Philippine International Motor Show sa October 24 to 27.
Target ng industriya ang 468,300 units sales hanggang matapos ang taon.| ulat ni Melany V. Reyes