Ikakasa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang samu’t saring serbisyo para sa mga residente nito sa isasagawang ‘Kalinga sa Maynila’ serbisyo fair ngayong araw.
Mula 2:00 hanggang 5:00 ng hapon ay bukas ang mga serbisyo ng Manila City Hall diretso sa Liwasang Balagtas sa Brgy. 863 sa Pandacan.
Kasama sa mga serbisyong inihanda ng Manila LGU ang pagsasagawa ng medical consultation, pamamahagi ng libreng gamot, PhilHealth profiling, rabies vaccination para sa alagang hayop, job fair para sa mga naghahanap ng trabaho, at mga serbisyo para sa senior citizens at may kaugnayan sa civil registry.
Walang bayad at bukas para sa lahat ang serbisyo fair na naghihintay sa mga residente ng Maynila partikular sa mga nakatira sa ika-anim na distrito nito.| ulat ni EJ Lazaro